marami, maraming marami akong gustong sabihin... sa sobrang dami hindi ko na alam kung paano uumpisahan... hindi ko na alam kung paano sasabihin...
marami, maraming marami akong gustong gawin... sa sobrang dami hindi ko na alam kung paano uumpisahan... hindi ko na alam kung paano gagawin...
napakahirap lang talagang magmahal ng isang taong hindi mo masabi ng harapan na mahal na mahal mo siya... ang sabihin nga lang na mahal ko siya hindi ko magawa, paano pa ang ipakitang mahal ko siya... gusto kong sabihin, gusto kong gawin... paano?
nakakatawang nagmamahal ako, pero parang nasa ibang dimensyon 'yung parte kong nagmamahal sa kanya... minamahal ko siya sa paraang alam ko sa mundong malayung-malayo sa ginagalawan niya...
walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko... kung paano siya magmahal, kung paano siya mag-alaga, kung gaano kainit ang mga yakap niya, kung gaano katamis ang mga halik niya, kung gaano kasaya na makasama lang siya sa paglalakad, sa dyip, sa pagkain, sa tuwing masaya ako, nalulumbay o wala lang... mga tanong na paulit-ulit, araw-araw... mga tanong na mananatili na lang na mga tanong... parang siya, isang pangarap na mananatili na lang na pangarap... isang panaginip na naglalaho sa bawat suntok ng realidad... isang panandaliang kasiyahan na napapawi rin... hanggang sa ang maiwan na lang ay ang sakit ng katotohanang hindi kayo... hindi ako ang mahal niya...
siguro nga hindi kita minahal ng sapat para ako ang piliin mo... o maaaring mahalin man kita ng higit sa pagmamahal niya, sadyang hindi ako ang mahal mo... kung mayroon akong isang hiling, 'yon ay ang 'wag mong kalilimutang minahal kita ng sobra sa paraang alam ko at makahanap man ako ng ibang mamahalin, ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito...
nais kong sabihing paalam... mahirap... siguro dahil wala akong mapanghawakang kahit ano na magsasabing tapos na o tinatapos mo na... kunsabagay, paano mo nga naman tatapusin ang isang bagay na ako lang ang nakaaalam ng simula...
mahal na mahal kita... miss na miss na kita... sana lang, kaya kong sabihin ito ng harapan...
Thursday, February 14, 2008
Wednesday, December 12, 2007
worth
worth
[wurth]
-noun
usefulness or importance,as to the world, to a person or for a purpose
minsan, kahit gaano ko kagustong gawin ang isang bagay, hindi ko maipaliwanag kung bakit ayaw sumunod ng katawan ko...
paano ba ang pasunurin ang katawan sa kung ano ang gusto ng isip?
napakaraming dapat gawin... dapat tapusin... pero wala kahit isa sa mga ginagawa ko ang makapagdadala sa dapat kong patunguhan... kung ang dapat ba ay ang gusto kong patunguhan...

Tuesday, December 11, 2007
missing you...
I wanted something to happen between us.
and for what it's worth, I honestly don't know anymore, because I still do.
I'm sorry I love you.
I'm sorry that I couldn't love you enough.
How come I lost you for this?
...the friend that I always had
and so I cry.
I miss you and I miss you so badly...

Subscribe to:
Posts (Atom)