Sunday, September 30, 2007
to my love
hanggang kailan, hanggang ngayon...
hindi ko alam kung bakit hindi ko masagot... marahil ang tamang tanong ay...
kelan ka iibigin?
?
?
?
dapat matagal na kitang kinalimutan...
dapat kahapon pa...
dapat nung isang araw pa...
o nung isang linggo...
o nung isang buwan...
o marahil... hindi na lang ikaw ang inibig...
pero ano'ng magagawa...
mahal kita...
mahal na mahal kita...
hanggang ngayon...
...
...
...
Thursday, September 20, 2007
panalangin kay San Mateo
gayunpaman, masaya ako na nandito ulit ako ngayong kapyestahan ng aming patron na si San Mateo... hindi ko alam kung bakit... basta masaya lang ako... wala akong katropa rito ngayon pero masaya ako...
nakumpleto ko ang 9 na araw ng nobena para kay San Mateo... nung huling araw nga ay umulan... akala ko hindi na kami matutuloy... akala ko hindi ko na makukumpleto... ang sabi ng mga matatanda, 'pag nakumpleto mo raw ang nobena, maari kang humiling at ito raw ay magkatototoo... naisip ko lang... ano nga ba ang gusto kong mangyari ngayon sa buhay ko... ang wish ko... sa sobrang dami, wala na akong mabuong wish... 'yung kunkretong wish... para sa sarili ko kaya (na mahanap ko na ang totong gusto ko at magkaroon na ako ng mamahalin at magmamahal sa akin) sa bayan (na magkaroon na ng katapusan ang lahat ng kaguluhan at malipol na ang mga masasamang loob - goodbye third world, first world na kami!!), sa pamilya (na maging masaya kami at buo araw-araw, habang buhay - na maging maganda ang ani namin ngayon at sa mga susunod pa), sa mga kaibigan (na hindi namim makalimutan ang isa't isa at maging masaya kaming lahat sa napili naming landas) , sa kaklase (na makapasa silang lahat sa darating na board exam)... napakarami... maraming-marami akong gustong hilingin at sana magkatotoo... sapat kaya ang 9 na araw ng nobena na 'yon para sa mga 'to... sa dami naming nakakompleto ng 9 na araw ng nobena, marining pa kaya ang mga kahilingan ko...
sabi nila mabait raw at hindi matatawaran ang galing ng Diyos at dalanging ng mga santo... Naniniwala ako kaya kahit ano pang hilingin ko... maririnig N'ya ito at ibibigay N'ya ang nararapat at makabubuti sa akin...
HAPPY FIESTA!!!!
Saint Matthew... Pray for us...
Tuesday, September 18, 2007
marami pero wala...
isa lang naman ang gusto kong mangyari sa ngayon e... ang makalimutan ka... ang 'wag na kitang isipin... ang hindi na kita hanap-hanapin... ang hindi na matuwa sa tuwing magte-text ka... ang mawala ka sa isip...........sa puso ko... masyado na akong nasasaktan... gusto kong maging manhid sa'yo ng pansamantala... saglit lang at hahanapin ko lang ang lugar ko sa buhay mo... marahil 'yun ang kailangan kong gawin ngayon... ang malaman at matanggap kung saan o hanggang saan lang ako sa buhay mo..... dahil kahit anong gawin ko... hindi ko magawang baguhin ang lugar mo sa buhay ko... ikaw lang ang nandito...
gusto kong isisi sa'yo ang lahat ng ito... ang katangahan kong ito... pero hindi ko magawa... wala akong magawa... wala akong ginagawa... ito pa rin ako... nagtatanong... ano bang dapat kong gawin? MARAMI AKONG GUSTONG GAWIN... PERO WALA AKONG MAGAWA... gustong-gusto kitang mahalin... pero hindi ko magawa... hindi p'wede... hindi na p'wede... masakit na...
Tuesday, September 11, 2007
supot-supot
sabi ng mga matatanda, dapat daw ay naka-itim ka para lumabas ang mga supot-supot... may nakatali pa ngang itim na sinulid sa baywang ko e... haist... kasi raw 'pag hindi lumabas ang supot-supot, sasakit ang tiyan mo... eto pa matindi, sobrang kati kasi ng supot-supot, 'pag kinamot mo raw ito, mag-gugudgod ka o 'di kaya naman, magkakaketong ka... hai naku, kung hindi ka ba naman matakot, e... kaya, 'yan nakaitim ako...
FYI: ang supot-supot ay 'yung namamantal ang balat mo at namumula at sobrang makati siya... sinasabi na bunga raw ito ng nagsalubong na init at lamig sa katawan at 'di sumingaw... akalain mong hindi ito pinag-aralan ng mga nurse na kakilala ko... kaya wala akong pagpipilian kundi sundin ang mga matatanda...
Ayukuna!!!
But though you’re still with me
I’ve been alone all along…
When you’d cry I’d wipe all your tears
When you’d scream I’d fight away all of your fears
I held your hand through all of these years
And you still have all of me…
Kelan bang ang isang pamamaalam ay nagiging isang tunay na pamamaalam? Kelan mo masasabing, “TAPOS NA.” Kung tutuusin naman, hindi dapat mahirap amining hanggang dito na lang, wala na… tapos na. Lalo pa’t alam mo na, kahit saang anggulo ka tumingin, ‘yun na ‘yon… isang malalim na bangin na kung pipilitin mong sagarin, malamang sa hindi, mahulog ka’t… BOOOOggggg!
Obvious ba? Bigo ako sa pag-ibig. Pero tama sila, nabigo man ako, wala akong pinagsisisihan. Nagmahal lang naman ako e. Sabi nga nila ‘di ba, it’s better have and failed than to have never love at all. Masakit. Pero ano’ng magagawa ko?... Heheheh… nakakatawa lang na nakakainis isipin na wala akong magawa. Wala magawa kundi ang masaktan at masaktan lang. Ang hirap isipin na wala akong magawa para ibsan ‘yung sakit. Napakahirap na habang binibigyan ko ng rason ang mga bagay-bagay upang mawala na ‘yung sakit at makumbinsi ang sarili kong, wala akong karapatang masaktan, lalo naming bumabaon ‘yung sakit at hadpdi, na dulot ng kabiguan kong mahalin din ng taong mahal ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito.
Nanggugulo lang naman kasi talaga ako, e. Hindi na tanong dito kung masaya ba siya sa kasalukuyan n’yang relasyon o hindi. Masaya siya o hindi, isa akong epal na nakikigulo sa isang may pananagutang relasyon. Kumakabit. Nang-aagaw. ‘Yun ako sa kwento. Ano’ng karapatan kong masaktan sakaling hindi ako ang piliin?
Hindi na ako ang pinili. Nasagot na ang tanong. Gustuhin ko mang umapela, ang hirap lalo’t alam ko na siya ang nahihirapan sa pagpasok ko. Kaya masakit man at mahirap, pinili ko na lang na manahimik at sarilinin kung ano man ‘tong nararamdaman ko para sa kanya. Oo, kung gaano kaliwanag sa inyong ako ang sumuko, mas maliwanag sa akin na ako ang sumuko… AKO ANG SUMUKO… Katangahan na lang na nasasaktan ako sa isang bagay na ako naman ang may gawa.
Sabi nila, panibagong mamahalin lang talaga ang makagagamot sa isang sugatang puso. Pero paano kung kahit gaano balukturin at paikot-ikutin ang ulo ko, siya at siya pa rin ang nakikita ko at sa kanya at sa kanya pa rin ako bumabalik? Maghintay ako? Maghintay ako’t darating din ‘yun taong ‘yon na magpapalimot sa ‘kin ng lahat ng ‘to? ‘Yun ba ‘yon? Paano kung naghihintay pa rin ako sa kanya. Tama, wala man akong ginagawa ngayon para mapasa’kin s’ya, naghihintay naman ako. Naghihintay ako. Umaasa. Pinasasakitan ang sarili sa pagpapaniwalang darating din ang panahon na ako naman ang mamahalin n’ya.
Gusto ko lang naman sanang malaman… paano tinatapos ang isang bagay na ayaw tapusin… o kung matatapos pa ba ito…
Kulang pa ba para mahalin mo rin ako… o sapat na ang lahat para sumuko na ako…
Thursday, September 6, 2007
mabuhay...
all that we see or seem is but a dream within a dream