I tried so hard to tell myself that you’re gone
But though you’re still with me
I’ve been alone all along…
When you’d cry I’d wipe all your tears
When you’d scream I’d fight away all of your fears
I held your hand through all of these years
And you still have all of me…
Kelan bang ang isang pamamaalam ay nagiging isang tunay na pamamaalam? Kelan mo masasabing, “TAPOS NA.” Kung tutuusin naman, hindi dapat mahirap amining hanggang dito na lang, wala na… tapos na. Lalo pa’t alam mo na, kahit saang anggulo ka tumingin, ‘yun na ‘yon… isang malalim na bangin na kung pipilitin mong sagarin, malamang sa hindi, mahulog ka’t… BOOOOggggg!
Obvious ba? Bigo ako sa pag-ibig. Pero tama sila, nabigo man ako, wala akong pinagsisisihan. Nagmahal lang naman ako e. Sabi nga nila ‘di ba, it’s better have and failed than to have never love at all. Masakit. Pero ano’ng magagawa ko?... Heheheh… nakakatawa lang na nakakainis isipin na wala akong magawa. Wala magawa kundi ang masaktan at masaktan lang. Ang hirap isipin na wala akong magawa para ibsan ‘yung sakit. Napakahirap na habang binibigyan ko ng rason ang mga bagay-bagay upang mawala na ‘yung sakit at makumbinsi ang sarili kong, wala akong karapatang masaktan, lalo naming bumabaon ‘yung sakit at hadpdi, na dulot ng kabiguan kong mahalin din ng taong mahal ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito.
Nanggugulo lang naman kasi talaga ako, e. Hindi na tanong dito kung masaya ba siya sa kasalukuyan n’yang relasyon o hindi. Masaya siya o hindi, isa akong epal na nakikigulo sa isang may pananagutang relasyon. Kumakabit. Nang-aagaw. ‘Yun ako sa kwento. Ano’ng karapatan kong masaktan sakaling hindi ako ang piliin?
Hindi na ako ang pinili. Nasagot na ang tanong. Gustuhin ko mang umapela, ang hirap lalo’t alam ko na siya ang nahihirapan sa pagpasok ko. Kaya masakit man at mahirap, pinili ko na lang na manahimik at sarilinin kung ano man ‘tong nararamdaman ko para sa kanya. Oo, kung gaano kaliwanag sa inyong ako ang sumuko, mas maliwanag sa akin na ako ang sumuko… AKO ANG SUMUKO… Katangahan na lang na nasasaktan ako sa isang bagay na ako naman ang may gawa.
Sabi nila, panibagong mamahalin lang talaga ang makagagamot sa isang sugatang puso. Pero paano kung kahit gaano balukturin at paikot-ikutin ang ulo ko, siya at siya pa rin ang nakikita ko at sa kanya at sa kanya pa rin ako bumabalik? Maghintay ako? Maghintay ako’t darating din ‘yun taong ‘yon na magpapalimot sa ‘kin ng lahat ng ‘to? ‘Yun ba ‘yon? Paano kung naghihintay pa rin ako sa kanya. Tama, wala man akong ginagawa ngayon para mapasa’kin s’ya, naghihintay naman ako. Naghihintay ako. Umaasa. Pinasasakitan ang sarili sa pagpapaniwalang darating din ang panahon na ako naman ang mamahalin n’ya.
Gusto ko lang naman sanang malaman… paano tinatapos ang isang bagay na ayaw tapusin… o kung matatapos pa ba ito…
Kulang pa ba para mahalin mo rin ako… o sapat na ang lahat para sumuko na ako…

1 comment:
kelan tong pix n 2.. bagay.. hayyy,...nappbuntung hininga n lng tlaga aq...
nagbunga n ang paghihintay.. may umusbong n pag-asa.. at least hindi k n epal di b... ang tanong nmn ngayon............... alam mo n yun.. God bess! natuwa aq na hindi na sila pro hindi ko alam kung matutuwa aq pag naging kayo.. hahhahahaah
knino mo b pinababasa ang blog n ito... hehehhe miss kita at an dami ko plang hindi alam... pareho kayo malihim.. hehehe honga nmn tama c sheyn, kung tutuusin may knya-knya n tayong buhay pro panatag ako kasi kahit n ano pang mangyari, syur n! magkakaibigan tayo...
Post a Comment