Sunday, October 7, 2007

b'yaheng CPA







Ilang libong libro na ba ang nabasa natin… mga linyang nakapag-inspire… mga kwentong nagkapag-pamove… mga advise na nakapagpa-isip… mga kung ano-ano na nagsasabi, directly o indirectly ng totoong purpose natin sa buhay… isama mo na ‘tong binabasa mo ngayon… hai… pero pupusta ako, hindi mo pa rin alam kung ano… ako rin eh… ewan... isang malaking EWAN ang lahat… kung p’wede lang sanang ang gawin na lang sa mundo ay ang maging mabuti sa kapwa… hmmmm… pa’no nga kaya kung ganoon na lang… ‘yung wala nang konsepto ng pera… ‘yung tulong-tulong ang lahat ng tao sa pagbubungkal ng lupa para sa araw-araw na kakanin ng lahat… magiging masaya kaya ang mundo… ‘pag nagkataon, wala nang budget na kailangang pag-isipan… expenses na kailangang i-minimize… income na kailangang pagkasyahin… at higit sa lahat, wala nang income statement at putang-ina, wala nang accounting… e ‘di sana walang kinakabahan sa parating na lintik na board exam na ‘yan at ang prinoproblema lang ng mga tigang na ‘yan ay kung papaano gagawing mas exciting ang sex nila mamayang gabi at pagkagising kinaumagahan… Haist… Simple hindi ba? ang purpose lang ng lahat ng tao sa mundo ay ang maging mabuti sa kapwa at magparami…

Apat na taon nating binuno ang hirap ng Curriculum ng BS Accountancy, mula basic accounting, na tumodo naman sa pagka-basic dahil halos walang meeting every schedule (the Mendoza days, p’wera kay Sir Aliling)… hanggang sa Advance Accounting na tumudo naman sa pagka-advance at ultimo isang segundo na lang ay may uumpisahan pang bagong problem… at s’yempre ang anghang na dulot ng Law, Taxation, MS… at pati na ng ibang majors, maparegular class o lecheng professorial chair… mula sa typing ni Dr. Dellosa hanggang sa Computer Class ni Sir Dicki… ang mga walang katulad na English teachers nating sina, Patangan at Go… and how could I forget, four years of overflowing angst against minor subjects… mula sa pinagpipitaganang uno ni Atty. Punzalan hanggang sa kumakalawit na 2.25 ni Galapon kay (drum rolls) Miss… ahmmm ano na pangalan ni psychology, ‘yung pinagpalit sa bestfriend?... mula sa joke time na Soc Arts ni Pamintuan at Humanities ni Badong hanggang sa heavy drama ng FS ni Borlongan at Strat Man ni Tichepco… Apat na taon… hinding-hindi matatawaran na apat na taong hirap at saya… lahat nalamapasan natin… maaaring sa buong b’yahe, may natinik, nadulas, nadapa, napasubsob, nasugatan, hanggang sa may nagtangka na lang magpaiwan, dili kaya’y tumakbo ng ibang direksyon at tumakas na lang… pero sa bandang huli, napagtagumpayan natin ang lahat… at maligaya tayo sa lahat ng ‘yon… dahil ang bawat balde ng luhang binuhos natin at libo-libong oras ng pagtulog na pinalampas natin ay ngayo’y isa nang letter-sized piece of a special paper with our name on it saying we finished BS Accountancy… isang papel na ni-wala man lang tayong pirma roon, at least may pangalan natin, in short Diploma…

Pero hanggang saan?! Hanggang Saan tayo susubukin ng lintik na accounting na ‘yan… kulang pa ba? kulang pa ba ang lahat o sapat na para sumuko ako… (hahahaha… ‘yun ‘yon…)

TANGA!!! S’yempre hindi… walang susuko… putang-inang board ‘yan… this is it guyz… our ultimate challenge… ngayon pa ba tayo susuko?! Walang susuko… kaya natin ‘to… Mapagtatagumpayan natin ‘to…

Sa inyong unang sasabak, wala akong ibang hangad kundi ang inyong tagumpay… at sa mga kasama kong naghihintay (naghihintay para sa resbak! Hahah), una una lang naman ‘yan e… sa finals tayo tayo rin ang magkikita-kita… at pagdating ng araw na ‘yon… sabay sabay nating lalasapin ang matamis na lasa ng Baily’s… kahit sampung gallon pa! at sabay sa bawat nating kampay ay ang kasiyahang binigay sa’tin ng buhay… ang accountancy, dito tayo dinala, ito ang kailangan nating pagsikapan… ito ang purpose natin ngayon… at kung ano’t ano man ang ultimate purpose natin sa buhay, kahit pa hindi ito ang tunay na nakalaan sa hinaharap natin… naniniwala ako na magiging maganda ang bukas, para sa ating lahat at parte ito ng pagkamit natin ng magandang bukas na ‘yon… Kahit maging engineer pa ako after 5 years hindi ko pagsisihang gumugol ako ng lakas para maging CPA… dahil ikaw ‘yon, kayo ‘yon, BSA batch 07… at ‘pag gumagawa na ako ng building, pagtanaw ko pabalik, masaya ako… sigurado ‘yon… dahil nandun kayo… (oo, sa building na gagawin ko, nandun ‘yung office n’yo… hahaha)

C’mon! beat that! Pahiran ang sipon… tumutulo, tumutulo… gud luck guyz… wish you all the best, after all were the omnipotents, to be the best how we’ll be… keep in touch…

Cheers! (Hahaha…)

No comments: