Tuesday, September 11, 2007

supot-supot










grabe na 'to... namaga ang buong mukha ko dahil sa supot-supot na 'yan... (kung ano man 'yang supot-supot na 'yan...) akala ko nung una allergies lang, 'yun pala, supot-supot...








pero gwapo pa rin naman 'di ba?!


sabi ng mga matatanda, dapat daw ay naka-itim ka para lumabas ang mga supot-supot... may nakatali pa ngang itim na sinulid sa baywang ko e... haist... kasi raw 'pag hindi lumabas ang supot-supot, sasakit ang tiyan mo... eto pa matindi, sobrang kati kasi ng supot-supot, 'pag kinamot mo raw ito, mag-gugudgod ka o 'di kaya naman, magkakaketong ka... hai naku, kung hindi ka ba naman matakot, e... kaya, 'yan nakaitim ako...

FYI: ang supot-supot ay 'yung namamantal ang balat mo at namumula at sobrang makati siya... sinasabi na bunga raw ito ng nagsalubong na init at lamig sa katawan at 'di sumingaw... akalain mong hindi ito pinag-aralan ng mga nurse na kakilala ko... kaya wala akong pagpipilian kundi sundin ang mga matatanda...

4 comments:

Anonymous said...

paano ba gamutin ang supot supot??

Anonymous said...

http://your-child-health.blogspot.com/2011/04/how-to-treat-supot-supot-or-skin-asthma.html?m=1

Anonymous said...

You just nees to make yourself sweat

Anonymous said...

..me ganyan dn po aq.skin asthma/hives...actually,medun nga po aq ngaun mismo..super kati.madaming beses nqng ngkron,at s iba't ibang dahilan.usually dhl s sudden change of temperature or s gamot,ngaun dq sure qng bkt,dhl b s patis (n d nman aq allergy)o s sudden change of temperature..wen my grandma's still alive,pngsusuot dn nia aq ng itim n dmt.ang init 2loy.tz der was a time n pinainom nla aq ng nilagang dahon ng malunggay w/c looks & tastes like cooking oil.ngaun n wla n cia umiinom nlng aq ng chloramphenamine maleate (d po aq sure s spelling).okay nman.noon.kea lng ngaunm,prang d p tumatalab.haha..anyways.mdmi2 n rn po aqng nababasa at well.ala ciang specfc n gamot.panghabang buhay n.ang mggwa nlng ntn eh MAG-INGAT ng bonggang bongga..tsk...dami bawal..

P.S...pag nagpapawis k po,dun lalabas ung mga pantal..gnun nangyare sken nung minsan...