Sunday, September 30, 2007

to my love

i love you... but it's just not that simple

until everything is just falling apart...

how come the life i planned... is not the life i had...

when will i ever let go?...
catch me... just catch me please... my love...

hanggang kailan, hanggang ngayon...

may nagtanong sa akin... kelan ka iibig?

hindi ko alam kung bakit hindi ko masagot... marahil ang tamang tanong ay...

kelan ka iibigin?

?

?

?

dapat matagal na kitang kinalimutan...
dapat kahapon pa...
dapat nung isang araw pa...
o nung isang linggo...
o nung isang buwan...

o marahil... hindi na lang ikaw ang inibig...
pero ano'ng magagawa...
mahal kita...

mahal na mahal kita...

hanggang ngayon...
...
...
...

Thursday, September 20, 2007

panalangin kay San Mateo

SAINT MATTHEW

Happy Fiesta... fista ngayon dito... simula nang nagpunta ako ng Maynila, hindi na ako nakakapag-fiesta rito... kung tutuusin wala namang masaya sa fiesta rito sa San Mateo... walang magarbong pagdiriwang... walang maingay na parada... walang makulay na street dancing... walang masayang handaan sa mga bahay-bahay... ang makakapagpaalala lang sa'yo na fiesta ay ang arweda sa plaza at ang ilaw ng mga tayaan sa perya... masaya na rin... laman ako dati ng perya nung nasa elementarya pa ako...





gayunpaman, masaya ako na nandito ulit ako ngayong kapyestahan ng aming patron na si San Mateo... hindi ko alam kung bakit... basta masaya lang ako... wala akong katropa rito ngayon pero masaya ako...





nakumpleto ko ang 9 na araw ng nobena para kay San Mateo... nung huling araw nga ay umulan... akala ko hindi na kami matutuloy... akala ko hindi ko na makukumpleto... ang sabi ng mga matatanda, 'pag nakumpleto mo raw ang nobena, maari kang humiling at ito raw ay magkatototoo... naisip ko lang... ano nga ba ang gusto kong mangyari ngayon sa buhay ko... ang wish ko... sa sobrang dami, wala na akong mabuong wish... 'yung kunkretong wish... para sa sarili ko kaya (na mahanap ko na ang totong gusto ko at magkaroon na ako ng mamahalin at magmamahal sa akin) sa bayan (na magkaroon na ng katapusan ang lahat ng kaguluhan at malipol na ang mga masasamang loob - goodbye third world, first world na kami!!), sa pamilya (na maging masaya kami at buo araw-araw, habang buhay - na maging maganda ang ani namin ngayon at sa mga susunod pa), sa mga kaibigan (na hindi namim makalimutan ang isa't isa at maging masaya kaming lahat sa napili naming landas) , sa kaklase (na makapasa silang lahat sa darating na board exam)... napakarami... maraming-marami akong gustong hilingin at sana magkatotoo... sapat kaya ang 9 na araw ng nobena na 'yon para sa mga 'to... sa dami naming nakakompleto ng 9 na araw ng nobena, marining pa kaya ang mga kahilingan ko...





sabi nila mabait raw at hindi matatawaran ang galing ng Diyos at dalanging ng mga santo... Naniniwala ako kaya kahit ano pang hilingin ko... maririnig N'ya ito at ibibigay N'ya ang nararapat at makabubuti sa akin...





HAPPY FIESTA!!!!



Saint Matthew... Pray for us...

Tuesday, September 18, 2007

marami pero wala...

napakarami kong gustong ilagay dito... andami nang dumaan... andami nang nangyari... pero hindo ko alam kung paano ko ilalagay dito... hindi ko alam kung paano... walang akong magawa... hindi ko alam kung papaano ko ibubuhos ang lahat ng nasa bao ko... lahat nagpapalapot sa lamang bao ko... minsan tuloy naiisip ko... lumalabnaw na ba ang utak ko... waaaaaaa...



isa lang naman ang gusto kong mangyari sa ngayon e... ang makalimutan ka... ang 'wag na kitang isipin... ang hindi na kita hanap-hanapin... ang hindi na matuwa sa tuwing magte-text ka... ang mawala ka sa isip...........sa puso ko... masyado na akong nasasaktan... gusto kong maging manhid sa'yo ng pansamantala... saglit lang at hahanapin ko lang ang lugar ko sa buhay mo... marahil 'yun ang kailangan kong gawin ngayon... ang malaman at matanggap kung saan o hanggang saan lang ako sa buhay mo..... dahil kahit anong gawin ko... hindi ko magawang baguhin ang lugar mo sa buhay ko... ikaw lang ang nandito...



gusto kong isisi sa'yo ang lahat ng ito... ang katangahan kong ito... pero hindi ko magawa... wala akong magawa... wala akong ginagawa... ito pa rin ako... nagtatanong... ano bang dapat kong gawin? MARAMI AKONG GUSTONG GAWIN... PERO WALA AKONG MAGAWA... gustong-gusto kitang mahalin... pero hindi ko magawa... hindi p'wede... hindi na p'wede... masakit na...

Tuesday, September 11, 2007

supot-supot










grabe na 'to... namaga ang buong mukha ko dahil sa supot-supot na 'yan... (kung ano man 'yang supot-supot na 'yan...) akala ko nung una allergies lang, 'yun pala, supot-supot...








pero gwapo pa rin naman 'di ba?!


sabi ng mga matatanda, dapat daw ay naka-itim ka para lumabas ang mga supot-supot... may nakatali pa ngang itim na sinulid sa baywang ko e... haist... kasi raw 'pag hindi lumabas ang supot-supot, sasakit ang tiyan mo... eto pa matindi, sobrang kati kasi ng supot-supot, 'pag kinamot mo raw ito, mag-gugudgod ka o 'di kaya naman, magkakaketong ka... hai naku, kung hindi ka ba naman matakot, e... kaya, 'yan nakaitim ako...

FYI: ang supot-supot ay 'yung namamantal ang balat mo at namumula at sobrang makati siya... sinasabi na bunga raw ito ng nagsalubong na init at lamig sa katawan at 'di sumingaw... akalain mong hindi ito pinag-aralan ng mga nurse na kakilala ko... kaya wala akong pagpipilian kundi sundin ang mga matatanda...

Ayukuna!!!


I tried so hard to tell myself that you’re gone
But though you’re still with me
I’ve been alone all along…

When you’d cry I’d wipe all your tears
When you’d scream I’d fight away all of your fears
I held your hand through all of these years
And you still have all of me…

Kelan bang ang isang pamamaalam ay nagiging isang tunay na pamamaalam? Kelan mo masasabing, “TAPOS NA.” Kung tutuusin naman, hindi dapat mahirap amining hanggang dito na lang, wala na… tapos na. Lalo pa’t alam mo na, kahit saang anggulo ka tumingin, ‘yun na ‘yon… isang malalim na bangin na kung pipilitin mong sagarin, malamang sa hindi, mahulog ka’t… BOOOOggggg!

Obvious ba? Bigo ako sa pag-ibig. Pero tama sila, nabigo man ako, wala akong pinagsisisihan. Nagmahal lang naman ako e. Sabi nga nila ‘di ba, it’s better have and failed than to have never love at all. Masakit. Pero ano’ng magagawa ko?... Heheheh… nakakatawa lang na nakakainis isipin na wala akong magawa. Wala magawa kundi ang masaktan at masaktan lang. Ang hirap isipin na wala akong magawa para ibsan ‘yung sakit. Napakahirap na habang binibigyan ko ng rason ang mga bagay-bagay upang mawala na ‘yung sakit at makumbinsi ang sarili kong, wala akong karapatang masaktan, lalo naming bumabaon ‘yung sakit at hadpdi, na dulot ng kabiguan kong mahalin din ng taong mahal ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

Nanggugulo lang naman kasi talaga ako, e. Hindi na tanong dito kung masaya ba siya sa kasalukuyan n’yang relasyon o hindi. Masaya siya o hindi, isa akong epal na nakikigulo sa isang may pananagutang relasyon. Kumakabit. Nang-aagaw. ‘Yun ako sa kwento. Ano’ng karapatan kong masaktan sakaling hindi ako ang piliin?

Hindi na ako ang pinili. Nasagot na ang tanong. Gustuhin ko mang umapela, ang hirap lalo’t alam ko na siya ang nahihirapan sa pagpasok ko. Kaya masakit man at mahirap, pinili ko na lang na manahimik at sarilinin kung ano man ‘tong nararamdaman ko para sa kanya. Oo, kung gaano kaliwanag sa inyong ako ang sumuko, mas maliwanag sa akin na ako ang sumuko… AKO ANG SUMUKO… Katangahan na lang na nasasaktan ako sa isang bagay na ako naman ang may gawa.

Sabi nila, panibagong mamahalin lang talaga ang makagagamot sa isang sugatang puso. Pero paano kung kahit gaano balukturin at paikot-ikutin ang ulo ko, siya at siya pa rin ang nakikita ko at sa kanya at sa kanya pa rin ako bumabalik? Maghintay ako? Maghintay ako’t darating din ‘yun taong ‘yon na magpapalimot sa ‘kin ng lahat ng ‘to? ‘Yun ba ‘yon? Paano kung naghihintay pa rin ako sa kanya. Tama, wala man akong ginagawa ngayon para mapasa’kin s’ya, naghihintay naman ako. Naghihintay ako. Umaasa. Pinasasakitan ang sarili sa pagpapaniwalang darating din ang panahon na ako naman ang mamahalin n’ya.

Gusto ko lang naman sanang malaman… paano tinatapos ang isang bagay na ayaw tapusin… o kung matatapos pa ba ito…

Kulang pa ba para mahalin mo rin ako… o sapat na ang lahat para sumuko na ako…


Thursday, September 6, 2007

mabuhay...

ito ang una kong post... ginawa ko ang blog na ito dahil naniniwala ako na isinilang na ang bagong ako... marami na ang naganap sa buhay ko sa nakalipas na 21 taon... maraming mali ang aking nagawa, ngunit mas marami ang aral na aking natutunan... mula sa isang batang naka-asa ang lahat sa ibang tao hangang sa isang kasisilang na taong mulat sa tunay na kahulugan ng mabuhay sa mundo... hindi ko na mababalikan ang nakalipas para sa mundo, pero ang bukas ay buong puso kong bubuksan sa lahat... sabayan ninyo ako sa aking paglalayag, sa aking buhay...


sa mga susunod na taon ng aking buhay, gusto ko sana itong maidokumento upang kahit papaano'y makapagbahagi naman ako ng aral sa mga maliligaw upang mabasa ang bawat kwento ng mga araw kong NAKASISILAW...


narito ang isang tulang ginawa ni jose f. lacaba, sa interpretasyon ni armida siguon-reyna... napulot ko sa blog ni bianca g. gusto ko itong ibahagi sa inyo...


tagubilin at habilin.

mabuhay ka kaibigan


yan ang una't huli kong tagubilin at habilin

mabuhay ka


sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo

mayaman ako sa payo


maghugas ka ng kamay bago kumain

maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain

pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lamang makaiwas sa sisi

huwag ka maghuhugas ng kamay kung may inaapi na kaya mong tulungan


paupuin mo sa bus ang mga matatanda at ang mga may kalong na sanggol

magpasalamat ka sa nagmamagandang loob

matuto sa karanasan ng matatanda pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma


huwag piliting matulog kung ayaw dalawin ng antok

huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga walang utang na loob

huwag makipagtalo sa bobo, at baka ka magpagkamalang bobo

huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangan mong sumigaw

huwag kang manalig sa mga bulung-bulungan

huwag papatay-patay sa ilalam ng pabitin

huwag kang tutulog-tulog sa pansita


umawit ka kung nag-iisa ka sa banyo

umawit ka sa piling ng barkada

umawit ka kung nalulungkot

umawit ka kung masaya

ingat lang, at huwag kang aawit ng 'my way' sa videoke bar, baka ka mabaril


huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan

dahan-dahan sa matatarik na landas

dahan-dahan sa malulubak na lugar, higit sa lahat, inuulit ko

mabuhay ka


maraming bagay sa mundo na nakakadismaya

mabuhay ka

maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas

mabuhay ka


sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan, kung minsan ay gusto mo nang mamatay

gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig

gusto mong magbigti kung napakabigat ng pasanin

gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak

huwag kang papatalo

huwag kang susuko


narinig mo ang sinabi ng awitin

'gising at magbangon sa pagkagupiling, sa pagkakatulog na lubhang mahimbing'

'gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig'

'bumangon ka kung nananawagan ang kapus-palad'


ang sabi ng iba ang matapang ay walang takot lumaban

ang sabi ko naman, 'ang tunay na matapang ay lumalaban kahit natatakot'

lumaban ka kung inginungudngod ang nguso mo sa putik

bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka

buong tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo

kahit hindi ka siguradong agad-agad kang mananalo


mabuhay ka kaibigan

mabuhay ka




all that we see or seem is but a dream within a dream